Add parallel Print Page Options

Nakipagkasundo si Judas sa mga Kaaway ni Jesus(A)

14 Pagkatapos nito, isa sa labindalawa na nagngangalang Judas Iscariote ang pumunta sa mga punong pari, 15 at (B) nagtanong, “Ano'ng ibibigay ninyo sa akin, kung ibibigay ko siya sa inyo?” At siya'y binayaran nila ng tatlumpung pirasong pilak. 16 Mula noon ay humanap siya ng pagkakataon na maipagkanulo si Jesus.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 26:16 Sa Griyego, siya.